Minsan sa buhay natin ay tatahak tayo ng sangang daan. Isang takpo sa ating buhay na kailangang mamili...kailangan gumawa ng pagpapasya. Ganito rin sa industriya ng paggawa ng patalastas at sa kursong ito naranasan natin ang mamili ng daang tatahakin.
Ang ilan sa atin ay pinili ang kanto ng sining kung saan dadalhin mo ang mga kulay, hugis, at mga larawan upang makipag-ugnayan. Ang iba naman ay tumungo sa kanto ng pagsulat kung saan babaunin mo ang mga wika at ang mga kahulugan nito, ang mga sari-saring tunog at mga kwentong isasalaysay. At ang iba’y tatahakin ang kanto patungo sa pakikipag-ugnayan dala-dala ang kahusayan sa pagplaplano at pakikipagtalastasan.
Tulad ng anu mang daanan, may mga babalang nakaabang. Sa iyong pagtahak sa iyong kinabukasan maaring “No Entry” ang iyong madatnan. Huwag mag-alala, may tamang panahon sa lahat at muli’y magbubukas ang mga oportunidad. At pag ikaw ay nandoon na maari mong makita ang babalang “Heavy Traffic Ahead”. Nakakainip at parang di ka na umuusad. Kaunting tiis at ikaw ay makakarating din sa iyong patutunguhan. Minsan naman ay may makikita kang “U-Turn”. Isang pagkakataon na mag-iba ng daan o maaring isang pagsubok kung itutuloy mo pa.
Kaya ating tandaan sa ating paglalakbay ang tatlong bagay. Una, alamin ang iyong pupuntahan at alamin kung paano makakarating doon. Pangalawa, huwag kang susuko. Bako-bako man ang daan, masikip man o matraffic tiyak na may gantimpala ang magtitiis. At pangatlo, mag-enjoy ka! Hanapin mo ang magpapasaya sa iyo at matuto sa lakbayin ng buhay. Kaya huwag natin kalimutan ang mga ito at tiyak lahat tayo malayo ang mararating.
Ryan
Ginanap noong ika-11 ng Nobyembre, taong dalawang libo’t labing dalawa ang Calle28- The Student Advertising Annual 2012 sa Historic Camalig Restaurant sa Angeles City. Ito ay dinaluhan ng limang student ad agencies-Ad+ons, CO2, Lemondrops, Parade at Planet Bulb, at mga alumni mula sa Holy Angel University at mga espesyal na panauhin mula sa City of San Fernando Tourism Office. Siyam na parangal ang pinamigay sa gabing iyon at ito ang mga nagsipagwagi:
Best Corporate Identity-CO2
Angel Radio Pitch Winner-Lemondrops
Ligligan Parul Winner-CO2
Presentor of the Year-Bruce dela Rosa-Lemondrops
Account Executive of the Year-Reign Datu-Lemondrops
Copy Writer of the Year-Haydee David-Lemondrops
Art Director of the Year-Trixia Jimenez
Creative Director of the Year-Xai Mallari
Student Ad Agency of the Year-CO2
Xai Mallari-Creative Director
Trixia Jimenez-Art Director
Ariza Adoptante-Copy Writer
Yael Malabanan-Account Executive
Lejan Lusung-Account Executive & Presentor
Saturday, November 17, 2012
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment